CAUAYAN CITY – Arestado ang isang 59-anyos na lalaki matapos ang isinagawang operasyon ng mga awtoridad kontra illegal logging sa barangay Sicalao, Lasam, Cagayan.
Kinilala ang suspek bilang si alyas “Goring” at ang kanyang pagkakaaresto ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Cagayan Provincial Intelligence Unit (PIU), Cagayan PPO, kinatawan ng DENR, at kapulisan ng Lasam Police Station.
Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap umano sila ng ulat ukol sa nasabing ilegal na gawain kung kaya naman ay dali nila itong pinuntahan at doon ay naaktuhan nila ang suspek na pinira-piraso ang kahoy na Red Luan gamit ang isang chainsaw.
Nakuha mula sa suspek ang 1,570.75 board feet ng nabanggit na kahoy na nagkakahalaga umano sa mahigit P100-K.
Mahaharap sa kasong P.D. 705 or Revised Forestry Code of the Philippines si alyas “Goring”.