Isinagawa ang kauna-unahang bugso ng pamamahagi ng Certificate of Condonation with Release Mortgage (COCROM) ng mga agrarian beneficiaries ng Ilocos Region sa Lingayen Pangasinan kahapon.
Pinangunahan ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. ang distribusyon ng certificate sa 3, 558 na magsasaka kung saan Katumbas nito ang 28,086,712 square meter ng lupain na nagkakahalaga ng 50 milyon na utang at bayarin na sasagutin na ng pamahalaan.
Ayon kay Pangulong Bong Bong Marcos, nakatakdang tumanggap din ang CAR, Region II at Region III na nasa pitumpung libong condonation na pangako umano ng pangulo na buburahin ang pagkakautang ng mga agrarian beneficiaries bilang tulong sa mga ito.
Sa buong bansa, target na maipamahagi ang 200,000 COCROM hanggang sa matapos ang 22024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨