𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜-𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜-𝗧𝗨𝗥𝗡𝗢𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗦-𝗕𝗔𝗦𝗘𝗗 𝗡𝗣𝗢

Nakatakdang mapamahagian ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng halagang Php3.3M na mga fishery paraphernalia mula sa isang US-based non-profit organization na Winrock International mula sa Arkansas, USA.

Layon nitong mas mapalakas pa ang sektor ng agrikultura ng Pangasinan at bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga nararapat na materyales at kagamitan sa pagpapabuti ng produksyon nito ng sektor.

Saklaw ng maibibigay na fishery paraphernalia ay ang apatnapung (40) sets of seine nets (kalokor), sampung (10) units ng chest freezers, at mga fish processing kits.

Samantala, aprubado na ang resolusyong kaugnay nito sa naganap na Sangguniang Panlalawigan session at nakatakdang lumagda at tanggapin ni Gov. Guico III ang in-kind agreement sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments