𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟲𝟬 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗟𝗘𝗚𝗘𝗡𝗗𝗦 𝗲𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗚𝗔𝗠𝗘𝗥𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗚𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Nagpasiklaban ang higit sa 160 esports gamers sa naganap na Mobile Legends Tournament sa bayan ng Mangaldan.

Dinaluhan ng 32 grupo mula sa iba’t ibang barangay ng Mangaldan ang kompetisyon na nagpakitang gilas gamit ang kanilang kakaibang diskarte at istratehiya sa Mobile Legends.

Nakatanggap ng cash prize ang kampeon mula sa Brgy. Talogtog na sinundan ng Brgy. Anolid at Brgy. Salaan.

Layunin ng patimpalak na bigyang oportunidad ang mga kabataan na ipamalas ang kanilang abilidad sa larangan ng eSports.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments