Pumalo na sa higit 47,533 na insidente ng animal bite ang naitala ng labing dalawang Animal Bite Treatment Centers sa Pangasinan sa unang quarter ng 2024.
Karamihan sa mga kasong ito ay mula sa mga kagat ng alagang aso kaya naman mas pinaigting pa ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) at Provincial Veterinary Office (PVO) ang kanilang mga isinasagawang anti-rabies vaccination drive.
Ayon rin sa PHO – Epidemiology and Surveillance Unit, mula January 1 hanggang July 8, 2024, siyam ang naitalang pagkamatay dahil sa rabies kung saan walo sa mga ito ay hindi nakapagpa-anti rabies vaccine matapos na makagat.
Dahil dito, nanawagan ang mga opisyal na maging responsableng pet owner at pabakunahan ang mga alagang hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments