Umaabot na ng 90% na mga pirma sa mga munisipyo at siyudad sa buong lalawigan ng Pangasinan ang naipadala na ng Comelec Pangasinan sa kanilang central office.
Ito mismo ang kinumpirma ni Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas sa naging panayam ng IFM Dagupan.
Aniya nitong mga nakalipas na linggo at araw ay dagsa ang mga nagdadala ng mga pirma sa kanilang tanggapan upang isumite ang nasabing mga pirma.
Ang Bawat bayan aniya ay nasa lima hanggang dalawampong libong mga pirma ang ipinasa sa kanila na kanila namang iveverify sa kung sila nga ba talaga ay botante ng Pangasinan at kung sa kanila ba talaga ang nasabing mga pirma.
Sa ngayon ay patuloy pa rin aniya sila sa pagatanggap ng mga ipapasang pirma sa kanila at kahit sino naman aniya ay puwedeng magpasa ng nasabing mga pirma.
Aminado naman ang opisyal na magiging madugo ang gagawing balidasyon dahil imamano-mano nila ang mga libo-libong mga pirma. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨