CAUAYAN CITY- Nabulabog ang tahimik na barangay ng Alinam matapos makapagtala kamakailan ng insidente ng nakawan sa Lungsod ng Cauayan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Ronald Peralta, nangyari ang pagnanakaw noong nakaraang Linggo sa Purok 4 at Purok 2 kung saan natangay ang isang bag na naglalaman ng pera at ID.
Aniya, ayon sa mga residente, may napansin umanong umaali-aligid na kalalakihan sa kanilang barangay.
Dahil dito, nagtalaga at nagpatupad ng mahigpit na seguridad at pagbabantay ang kanilang pamunuan upang maiwasan na maulit muli ang ganitong klase ng krimen.
Samantala, pinapaalalahanan naman ni Kapitan Peralta ang mga residente na maging alerto at mapagmasid sa mga pumapasok na hindi kilala sa kanilang barangay.
Facebook Comments