𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

Inaasahan na patuloy na mararanasan ang mainit na panahon sa bansa sa kabila ng nararanasang mga pag-ulan ayon sa weather bureau na PAG ASA bunsod pa rin ng EL Niño Phenomenon.

Ayon kay Dr. Anna Solis sa climate monitoring, isa sa makararanas ng mataas na temperatura ang Northern Luzon na kinabibilangan ng Ilocos Region.

Sa kasalukuyan, kadalasang naglalaro sa 45 hanggang 48° Celsius ang naitatalang heat index sa Pangasinan particular sa Dagupan City, kung saan sa ilalim ito ng Danger Category.

Pumalo rin sa 50° C ang naitalang heat index nitong May 13 habang nasa 47° C naman ang heat index forecast ng lalawigan ngayong araw.

Sa kabila nito ay nararanasan na ngayon sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan ang mga pag-uulan sa mga nakalipas na araw partikular na sa Central Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments