Nakaapekto umano ang mainit na panahon na nararanasan ngayon ang malaking demand ngayon sa kuryente ng mga konsyumer ng CENPELCO.
Ayon sa panayam ng iFM News Dagupan kay CENPELCO General Manager, Engr. Rodrigo Corpuz, hindi umano pangkaraniwan ang naging tala sa heat index na naranasan sa lalawigan simula nang pumasok ang buwan ng abril.
Sa taas ng heat index na nararamdaman, nagdulot ito ng mataas na konsumo ng mga konsyumer ng kuryente kung saan maaaring diretso nang nakasindi ang mga appliances tulad ng aircon at electric fan.
Mas malala rin umano ang naging epekto ng mainit na panahon ngayong taon kung ikukumpara sa mga nakaraang taon.
Dagdag pa nito na maaaring magkakaroon ng pagtaas sa electric bill dahil sa dobleng pagkonsumo ng mga konsyumer ngayong dry season at isa pang dahilan ay hindi pa umano natatanggap ang actual power bill o bill mula sa generating company mula sa nakonsumo ng buong Abril nang sa gayon ay doon dedepende sa pagsingil ng babayaran ng mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨