𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗘𝗗𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡

Posible pa rin, ayon sa weather state bureau PAGASA, ang mainit na panahon sa kabila ng deklarasyon ng tag-ulan nitong miyerkules.

Ayon sa PAGASA, makararanas pa rin umano ng monsoon breaks ang bansa sa buwan ng Mayo at Hunyo, kung saan pagtataya nila ay maaari pa rin maitala ang dangerous heat index.

Dagdag pa nila, na sa pagsapit ng Agosto hanggang Nobyembre, asahan ang above normal na pag-ulan.

Samantala, sa lalawigan ng Pangasinan, ilang hakbangin na ang isinasagawa ng provincial government upang maibsan ang posibleng pananalasa ng la niña sa lalawigan, lalo na’t madalas na daanan ang probinsya ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments