𝗠𝗔𝗝𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟𝗢𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Nanindigan ang hanay ng Mayorya ng Sangguniang Panlungsod na sinusunod lamang nila ang mga protocol o proseso kaugnay sa mga panukala at ipinasang budget ng lungsod.

Ito ay matapos ang naging mainit na diskusyon sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod nitong martes ng umaga na inabot ng hapon.

Sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay Dagupan City Councilor Red Erfe-Mejia , sinabi nito na binubusisi lang nila ng mabuti ang mga pondo na nakaatang sa SP bago ipasa.

Ito ay matapos maipahayag si Dagupan City Mayor Belen Fernandez na planong pagsasampa ng kaso laban sa mga majority councilors dahil sa diumano’y pagharang sa pag-implementa ng mga proyekto ng lungsod.

Ayon sa konsehal, wala pa naman, aniya, silang natatanggap na reklamo kaugnay rito.

Samantala, nanindigan din ito na sana ay nagsasabi si Mayor Fernandez ng intensyong dumalo upang maisama sa agenda ng SP bago ang sesyon bagamat bilang pagrespeto sa nakataas na posisyon, aniya, ay pinagbigyan pa rin magsalita ang alkalde sa kanilang sesyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments