Sumailalim sa agricultural training program ng Farmers Field School ang ilang magsasaka ng mais sa Barangay Pandan, Alaminos City.
Nilalaman ng pagsasanay ang mga makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng mais, integrated pest management, at mapabuti pa ang kalidad ng produktong mais sa bayan.
Sa ilalim ng naturang programa, tinututukan ang industriya ng mais sa potensyal nitong makadagdag sa kita ng mga magsasaka at maisulong ito bilang isa sa tampok na produkto ng bayan.
Patuloy na hinihikayat ng Department of Agriculture Agricultural Training Institute ang mga magsasaka sa maagap na monitoring sa mga itinatanim upang maging produktibo ang ginanap na training. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments