𝗠𝗔𝗞𝗜𝗡𝗔𝗥𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗚𝗥𝗨𝗣𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Ipinamahagi ang mga makinaryang pangsaka sa ilang lokal na magsasaka sa bayan ng Sta. Barbara mula sa programang Corn Banner Program ng Department of Agriculture Regional Field Office 1.

Tinanggap ng Corn Unit Farmers Association sa Barangay Leet ang Tig-apat na unit ng water pump at folded hose irrigators ang natanggap na mga kagamitang makinarya ng mga magsasaka na siyang makatutulong sa kanilang pagtatanim.

Nagpapasalamat naman ang mga miyembro ng asosasyon na nakatanggap dahil ang mga ipinamahaging makinaryang pansaka ay malaki umano ang maitutulong sa kanilang hanap-buhay lalo na pagdating sa kanilang produksyon o ani. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments