𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗣𝗬𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Inaasahan ang malakihang bawas presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong ikalawang linggo ng Hunyo matapos ang makailang price adjustments sa mga nakalipas na araw.

Base sa 4-Day trading, posible ang bawas na P0.93 sa Gasoline, P1.49 naman sa Diesel habang P1.46 sa Kerosene sa lahat ng kada litro ng mga petrolyo.

Matatandaan na epektibo hanggang ngayon ang ipinatupad nito lamang nakaraang linggo na dagdag bawas sa presyo ng mga langis.

Samantala, ngayong araw, June 10, inaaasahang mag-aanunsyo ang mga oil companies ng pinal na presyuhan sa langis at iiimplementa naman sa araw ng Martes,ika-labing isa ng Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments