𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗔𝗧 𝗞𝗜𝗗𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘

Pinangangambahan ngayon ng ilang Pangasinense ang malalakas na pagkulog pagkidlat sa tuwing nagkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Ang ilan, hindi na lumalabas ng mga tahanan sa oras na bumagsak na ang malakas na buhos ng ulan dahil alam na umano ng mga ito na posibleng may kasama itong malakas ng pagkidlat.

Nito lamang, isa sa insidente ng pagkidlat ay naranasan sa bahagi ng Calasiao kung saan nasa tatlong daang streetlights ang naapektuhan ng malakas na pagkidlat.

Tuloy-tuloy rin naman ang payo ng awtoridad sa publiko na maging maingat sa tuwing panahon ng tag-ulan at mas mainam na huwag na lamang maligo sa gitna ng ulan para iwas na rin sa sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments