𝗠𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Cauayan City – Kaliwa’t-kanan ang ginagawang road clearing operations sa buong lalawigan ng Cagayan matapos ang naranasang pagsalanta ng Bagyong “Marce”.

Matapos ang magdamag na paghagupit ng bagyo sa buong probinsya ng Cagayan noong gabi ng November 7, tumambad kinabukasan ang naglipanang mga natumbang kahoy at napinsalang mga kabahayan at establisyimento sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan.

Dahil sa malalakas na bugso ng hangin at pag-ulan, natangay ang mga debris ng mga establisyimento at kabahayan, habang natumba naman ang ilang mga puno maging ang mga poste ng kuryente sa mga kalsada dahilan upang ang ilan sa mga ito ay hindi madaanan.


Upang maibalik sa normal ang sitwasyon sa mga kalsada ay kaagad na nagsagawa ng road clearing operations ang bawat LGU’s katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Makatutulong ang road clearing operations upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente maging ang mga motoristang dumadaan sa mga kalsadang naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments