𝗠𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗝𝗢𝗕𝗦 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔

Libo-libong job seekers ang dumagsa sa malawakang jobs fair sa Region 1 ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa ahensya, nasa 1232 na indibidwal na naghahanap ng trabaho ang naserbisyohan ng jobs fair. Sa nasabing bilang 227 dito ang hired-on-the-spot.

Ayon kay DOLE RO1 Regional Director Exequiel De Guzman, bahagi ito ng mga programang inilulunsad ng gobyerno upang makapagbigay kabuhayan sa mga Pilipino at mapababa pa ang bilang ng mga residente sa rehiyon na walang trabaho.

Paalala ng tanggapan, mainam na magpre-register sa mga jobs fair upang maging updated sa mga abiso at step-by-step guide sa mga naghahanap ng trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments