𝗠𝗔𝗟𝗔-𝗔𝗟𝗜𝗖𝗘 ð—œð—Ą 𝗊ð—Ēð—Ąð——ð—˜ð—Ĩð—Ÿð—”ð—Ąð——, 𝗖𝗛ð—Ĩ𝗜ð—Ķ𝗧𝗠𝗔ð—Ķ 𝗧𝗛𝗘𝗠𝗘 ð—Ąð—š ð—Ģ𝗔ð—Ķ𝗞ð—Ļð—›ð—”ð—Ą ð—Ķ𝗔 ð—•ð—œð—Ąð—”ð—Ÿð—Ēð—Ąð—”ð—Ą

Kaliwa’t kanan na ang mga “Silew Silew” o mga pailaw sa Pangasinan para sa pagdiriwang ng pasko ngayong taon.

Ang bayan ng Binalonan ay hindi nagpahuli sa kanilang silew silew entry sa kanilang Alice in Wonderland themed Christmas Decorations.

Nagningning ang buong Municipal Grounds ng naturang bayan ng mga pailaw at palamuti mula sa mga karakter sa children’s novel na Alice in Wonderland na original na likha ni Lewis Carroll.

May mga personalidad ding nag costume upang magbigay ng entertainment sa mga nagsipagdalo sa Christmas Lighting Event ng Binalonan.

Nagkaroon din ng fireworks display na siyang naenjoy ng mga Binalonians at ilang taga ibang bayan dumayo pa upang masaksihan ito.

Tunay ngang ramdam na ang papalapit na pasko dahil sa mga ganitong palamuti na nagbibigay aliw sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛ð™Ēð™Ģ𝙚𝙎ð™Ļ

Facebook Comments