𝗠𝗔𝗟𝗨𝗦𝗢𝗚 𝗔𝗧 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗦𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Isinusulong ng Department of Health Ilocos Region ang pagdiriwang ng isang ligtas at malusog ng kapaskuhan ngayong taon.

Ipinaalala ng ahensya ang disiplina sa pagkain dahil sa kaliwat kanang handaan kasunod ng holiday season.

Hinikayat din ang publiko na makibahagi sa mga aktibidad tulad ng Zumba na ehersisyo na rin maging jogging at simple home exercises kasama ang pamilya at kaibigan.

Inihayag ng ahensya na makatutulong ang pagkain nang tama at pagiging physically active at fit ngayong Holiday season upang malabanan na rin ang posibleng Holiday stress. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments