𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗙𝗟𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗩𝗘𝗦𝗧, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Tiwala si Sangguniang Panlalawigan Member Jerry Agerico Rosario na maaprubahan ang mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest sa Pangasinan.

Aniya,pirma na lamang ni Governor Ramon Guico III ang kinakailangan upang maipatupad ito sa mga motorista, siklista, at tricycle drivers.

Nakasaad pa sa naturang panukala, na hindi lamang ito tungkol sa reflectorized vest kundi maging sa Driving Lights at pagsusuot ng luminous colored na damit sa dis oras ng gabi na inirekomenda ng ilang grupo ng mga riders.

Layunin ng panukala na mabawasan ang road accident sa Pangasinan.

Ilang motorista ang sumasang-ayon naman dito para daw umano sa kaligtasan ng kapwa nila riders. Ang ilang mga tricycle drivers naman ay hindi pabor sa panukala dahil sagabal lamang umano sa kanilang pagmamaneho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments