CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng 1st Executive Meeting ang Lokal na Pamahalaan ng Tumauini bilang paghahanda sa paparating na Mangi Festival sa kanilang bayan.
Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ni Municipal Mayor Venus Bautista kasama ang mga tauhan mula sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno.
Napag-usapan rito ang iba’t-ibang ideya para sa bubuuing programa at mga aktibidad sa Mangi Festival upang mas maging masaya at makabuluhan ang kanilang pagdaraos ngayong taon.
Ang Mangi ay Ybanag term ng mais kung saan ipinagdiriwang ang Mangi Festival sa pamamagitan ng pagtampok ng iba’t-ibang produkto gamit ang mais.
Facebook Comments