𝗠𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗔𝗦𝗧𝗜𝗞 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡 𝗧𝗢𝗫𝗜𝗖𝗦

Iminungkahi ng non-profit environmental group na Ban Toxic ang masamang epekto ng plastik na mga laruan na inaasahang maglilipana ngayong holiday season.

Bilang nakakapukaw sa paningin ng mga bata ang mga laruan, ipinaalala ng grupo ang masamang nilalamang kemikal ng mga ito na maaaring may dalang banta sa kalusugan ng mga bata.

Ilan sa mga kemikal na taglay ng mga plastic toys ay ang arsenic, cadmium, lead, mercury, maging presensya ng bromine at chlorine.

Ayon sa isang pag-aaral ng grupo, isa ang bansa sa nahaharap ngayon sa mga laganap na nagbebenta ng mga plastic toys na may heavy metal additives.

Dahil dito, pinaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at maalam sa bantang dala sa kalusugan lalo na sa mga bata, upang mapanatili at maitaguyod ang kaligtasan at malusog na pangkapaligiran.

Samantala, kapansin pansin na sa mga pamilihan ng Pangasinan ang pagdami ng nagbebenta ng mga plastic toys lalo ngayong Christmas season na maaaring maipangregalo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments