Nakakaranas ng masikip na daloy ng trapiko ang mga sasakyan sa may bahagi ng Junction, Calasiao, kasabay ng pagbubukas ng klase at pagbabalik trabaho ng karamihan. noong ika-3 ng enero..
Sa may bahagi ng Junction, Calasiao madalas nararanasan ang pagbagal ng mga sasakyan, dahil ito ang pangunahing daan patungong Dagupan City, San Carlos City, Sta. Barbara, at iba pang mga kalapit bayan.
Samanatla, sa kabila ng nararanasang pagsikip ng trapiko, laging nakaantabay ang Public Order and Safety Office (POSO) at Philippine National Police (PNP) Calasiao, sa pagmamando ng trapiko, at sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa mga kakalsadahan sa bayan.
Ang pagsikip ng daloy ng trapiko ay sanhi ng pagdami ng volume ng sasakyan sa kakalsadahan ng bayan ng Calasiao, dahil sa pagbubukas at pagbabalik ng klase at trabaho. |πππ’π£ππ¬π¨