Iginiit ng Department of Labor and Employment Region 1 na dumaraan sa masusing profiling at verification ang mga napiling benepisyaryo ng kanilang mga programa tulad na lamang ng Tulong Panghanap Buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) Workers.
Ito ay sa Kabila ng agam-agam ng Ilan na tila dalawang beses tumatanggap ng tulong o di kaya ay umuulit na tumatanggap ng tulong ang Isang indibidwal mula sa tanggapan.
Ayon kay Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman, posible umanong maharap sa kasong sibil o krimimal ang sinumang mahuhuling umulit sa kanilang mga programa.
Aniya, maayos ang kanilang sistema sa pagpili ng mga benepisyaryo kung kaya’t walang nakakalusot dito.
Bagamat wala pa silang naitatalang kaso nito, ilang benepisyaryo ang boluntaryong nagsasauli ng perang natanggap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨