Mas mabigat na daloy ng trapiko ang nararanasan ngayong lunes sa bahagi ng M. H. Del Pilar St. at A. B. Fernandez Avenue sa Dagupan City dahil sa patuloy na konstruksyon ng kakalsadahan.
Isa sa itinuturong dahilan ng pagbagal ng usad ng trapiko ay dahil sa muling pag-abot ng tubig sa kalsada dahil sa high tide.
Bagamat mababaw lamang ang tubig na umabot sa bahagi ng M.H Del Pilar ay iniiwasan pa rin ito ng mga motorista dahilan upang lumiit pa ang espasyo ng kalsada na dapat na dadaanan kaya naman humantong sa ito sa masikip mabagal na usad ng trapiko.
Sumabay din umano ang kasalukuyang one-way rerouting scheme kung kaya’t pahirapan pa rin talaga sa ngayon ang takbo ng byahe sa bahaging ito ng lungsod.
Ngunit sa bahagi naman ng Quintos bridge papunta ng Downtown ay maluwag na ang daloy ng trapiko.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang sabay-sabay na konstruksyon sa bahagi ng Arellano St. at iba pang kalsada na balak matapos ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨