𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗠𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗧, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦

Kabilang sa binibigyang prayoridad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ay ang pagpapaigting pa ng programang Home Visit hatid lalo na para sa mga kapos-palad o indigent Dagupeños.

Patuloy itong umaarangkada sa lungsod kung saan direktang tinutungo ng mga health officers ang mga residente sa mga bara-barangay upang mahatiran ng tulong medikal tulad ng health consultation at pamamahagi ng mga bitamina at gamot.

Layon nitong maipabot ang tulong medikal lalo na at hindi lahat ay may kakayahang makapunta sa mga ospital upang magpatingin ng karamdaman.

Ilan pang mga health programs ang isinusulong ngayon tulad ng pagbubukas ng mga super health centers sa ilang mga barangay at pagpapatayo ng DOH Maternity and Children’s Hospital nakaantabay sa kapakanan ng bawat nanay at mga batang Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments