𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡

Pumalo pa sa 46°C ang naitalang highest heat index ng PAGASA Dagupan sa lalawigan Pangasinan kahapon lamang, June 14, 2024.

Nasa 34.8°C ang naitalang dry-bulb temperature havang 64% naman ang relative humidity.

Sa kabila nito, araw-araw nang nakararanas ng malalakas na pag-ulan ang iba’t-ibang bahagi ng lalawigan pagsapit ng hapon at gabi.

Nauna na ring inihayag ng PAGASA na bagamat tapos na ang El Niño Phenomenon kung saan naranasan ang tagtuyot, at sa gitna ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa bansa ay patuloy pa ring mararanasan ang maalinsangang panahon.

Inabisuhan ang publiko ukol sa posibleng maging epekto ng nararanasang panahon hindi lamang sa kalusugan at paghahanda kaugnay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments