𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Nakararanas madalas ang buong lalawigan ng Pangasinan ng localized thunderstorms at heavy rainshowers pagsapit ng hapon at gabi na sinabayan pa ng mataas na heat index.

Naranasan kahapon lamang, June 17, ang makulimlim na kaulapan sa buong lalawigan habang nararanasan partikular sa bahagi ng Eastern Pangasinan ang mga pag-ulan.

Kasabay nito ang naitalang mataas na heat index kung saan pumalo pa ito sa 45°C at nananatiling nasa Danger Category.

Inaasahan ang patuloy na mararanasang maalinsangang panahon sa gitna nang panahon ng tag-ulan. |𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔

Facebook Comments