𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗞𝗔𝗗𝗢, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘

Ikinabahala ngayon ng mga mamimili sa lalawigan ng Pangasinan ang kasalukuyang nararanasang mataas na presyo ng bigas sa merkado.

Pumalo na sa ₱53 per kilo ang kadalasang pinakamababang presyo ng bigas sa ilang mga pampublikong pamilihan sa lalawigan kumpara sa dating pinakamababang presyuhan nito na nasa ₱46 hanggang ₱48 kada kilo lamang.

Sa Dagupan City, mangilan-ngilan na lang ang nagbebenta ng ₱48 at aminado ang parehong vendors at consumers na malayo sa kalidad ng produkto ang kwarentay otsong per kilo kumpara sa nabibiling ₱53 ngayon.

Naglalaro rin sa ₱57 at mahigit ang presyo ng well milled rice sa merkado.

Matatandaan na nauna nang nagpahayag ang DA maging ng isang agricultural group ang kaugnay sa pagsirit sa presyo nito ngayong taon bunsod ng mga salik tulad ng mataas na presyo ng palay at iba pa na nakakaapekto sa magiging price adjustments nito.

Samantala, hirap lalo ang mga ordinaryong mamimili sa pagbabudget dahil hindi lamang bigas ang tumaas maging ang nakaambang umento pa sa 63 na basic commodities na posible namang maranasan sa unang quarter ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments