Hindi na ikinabigla ng grupong Bantay Bigas ang mataas na presyo ng bigas sa mga pamilihan kabilang na sa Lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, sadyang mataas talaga ang presyo ng bigas ngayon at alinsunod na rin ito sa kanilang naging pagtaya kamakailan.
Aniya, ang mga presyo ng bigas na nasa singkwenta pesos mahigit ay mga magandang klase ng bigas.
Bagamat may ilang mga nasa kwarenta y singko pesos ang presyo may amoy naman aniya ang mga ito at iba ang lasa sa nakasanayang klase ng bigas.
Hindi aniya sagot ang importasyon ng bigas upang mapababa ang presyuhan nito dahil hindi naman gumagalaw ang presyo nito kahit pa may mga dumating na mga bigas.
Agarang aksyon ng pamahalaan aniya ang kailangan upang masolusyunan ang presyo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨