𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Tumaas ng dalawang piso kada piraso ang presyo ng itlog sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Dahil dito, dismayado ang ilang tindera ng itlog dahil sa tumal ng bentahan.

Ayon sa ilang tindera na nakapanayam ng IFM Dagupan, Hindi raw madali sa ngayon ang pagkuha ng mga retailers ng suplay ng mga itlog sa kanilang mga pinagkukuhanan dahil sa nangyaring pagtaas ng presyo.

Samantala, ayon naman sa Samahang Industriya ng Agrikultura, may kakulangan sa suplay ng itlog kung kayat malaki ang itinaas sa presyo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments