𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬

Pumapalo ngayon sa higit isang daang piso ang presyo ng ilang gulay sa pamilihan ng Pangasinan dahil umano sa mababang suplay.

Sa Lingayen Public Market, pumapatak ng P180 kada kilo ang presyo ng sili; P120-P160 ang presyo ng talong; Parlang P160 per kilo; Ampalaya P100 per kilo; at pechay na nasa P80 ang kada kilo.

Ayon sa ilang tindera na nakapanayam ng IFM News Dagupan, mababa umano ang suplay ng mga nabanggit na gulay kung kaya’t tumaas rin ang presyo.

Samantala, bahagyang bumaba ang presyo ng karneng baboy at baka mula sa dating presyo na umaabot sa P380-P400 ngayon ay nasa P330 ang kada kilo nito habang nananatili naman sa P190-P200 ang presyuhan ng kada kilo ng manok.

Kaugnay nito, bukas ang opisina ng market at ticketing inspectors sa Lingayen upang mabantayan ang kalidad maging ang overpricing ng mga produkto sa pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments