Aasahan ngayon ang mataas o tataas na retail price ng bigas sa mga pamilihan bunsod ng pagpasok ng imported na bigas sa merkado, ayon sa Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG.
Sa pinakahuling tala ng Bureau of Plant Industry, nasa 569, 286 metric tons ang kabuuan ng na import na bigas sa bansa, as of February 16, 2024.
Bagamat sa gitna nito ay aasahan din na simula March 15, umpisa ng peak harvest season ng mga magsasaka ay siya namang pagdami ng suplay ng mga lokal na bigas sa merkado.
Posible ang pagbaba sa presyo sa kada kilo ng bigas sa mga kasunod nitong araw.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nananatili pa rin ang P48 na pinakamababang presyo, habang nasa ₱49 hanggang ₱53 naman ang kadalasang binibili ng mga consumers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments