𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗧𝗦𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗔 𝗡𝗜𝗡𝗔, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗡𝗬𝗢 , 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

Posible umanong maranasan ang mataas na tsansa ng La niña sa mga buwan ng hunyo at mga kasunod na buwan nito ayon sa PAGASA.

Habang patuloy na humihina ang el nino na galing sa Pacific Ocean ay patuloy pa rin ang epekto nito at nakakapagtala pa rin ng mataas na heat index at maging tagtuyot.

Ayon sa PAGASA, inaasahang mararanasan na rin ang unti unting paghina pa ng el nino sa mga susunod na buwan at nasa animnapung porsyento na ang tsansa ng El nina sa buwan ng June, July, at August.

Samantala, may posibilidad umano na bahagyang may pagkaantala sa simula ng tag-ulan dahil sa pinagsamang epekto ng patuloy na El Niño dahil sa madalas na kaunting ulan o pre-developing La niña. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments