𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦

Nararanasan ng ilang fish vendors sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan ang matumal pa umanong bentahan ng mga produktong isda kahit pa umpisa na ang salubong ng holiday season.

Ayon sa ilang mga nakapanayam ng IFM Dagupan, inaasahan daw ng mga ito na sa araw ng Biyernes ngayong linggo magsisimula ang peak ng mga consumers na mamimili ng mga fish products.

Sapat naman daw ang suplay ng ilan sa mga nasabing produkto sa pagtatapos ng holiday season.
Samantala, nananatili naman sa presyo ang halos lahat ng isda habang may dagdag bawas presyo sa ibang pa sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments