𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗘𝗭, 𝗧𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗟𝗜𝗥𝗔𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗠𝗜𝗧𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧𝗦

Mariing inihayag ni Mayor Fernandez sa naganap na State of City Address Press Conference na maiibsan ang matagal nang problemang pagbaha sa Dagupan City sa pamamagitan ng isinasagawang mga flood mitigation projects sa lungsod.

Ayon sa alkalde, ilang mga natapos ng proyektong kontra baha sa iba’t-ibang lugar sa lungsod ay matagumpay umano dahil naibsan ang pagbaha sa mga tukoy na bahagi.

Dagdag pa nito na maging sa mga barangay na posibleng maapektuhan at mabaha ay matutulungan sa ilalim naman ng Operation Sitio.

Inaasahan na kung matatapos na ang road elevation at drainage upgrades partikular sa mga pangunahing kakalsadahan sa lungsod ay pinaniniwalaang masosolusyunan ang pagbaha sa syudad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments