
Cauayan City – Personal na sinuri ni Mayor Xian-Al Defensor A. Galanza sa Balai Isabelino upang personal na masubaybayan ang pagpapatupad ng 4PH Pambansang Pabahay para sa Pilipino.
Batay sa ulat, tatlong gusali na ang ganap na natapos, habang ang ikaapat ay malapit nang matapos at natitira na lamang ang pundasyon.
Binigyang-diin ni Mayor Galanza ang suporta ng lokal na pamahalaan sa maayos na implementasyon ng proyekto at pagtitiyak na makikinabang ang mamamayan.
Ayon sa munisipyo, patuloy ang koordinasyon at tulong upang masiguro ang matagumpay na pagtatayo ng pabahay para sa mga residente ng Gamu.
Photo: Xian-Al Defensor Galanza
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










