𝗠𝗔𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗜𝗡𝗙𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝟮.𝟲%

Bumilis sa 2.6% ang naitalang inflation rate sa lalawigan ng Pangasinan nito lamang nagdaang buwan ng Mayo ngayong taon.

Bahagya itong mas mataas kumpara sa 2.5% na naitala sa nakaraang buwan ng Abril sa kasalukuyang taon bagamat mas mababa kumpara sa naitalang inflation noong May 2023 na nasa 6.1%.

Ilan sa mga naging salik ng pagtaas ng rate sa lalawigan ay ang mga sumusunod:

-Clothing and Footwear index
-Furnishings, Household Equipment, Household Maintenance
-Personal Care, Miscellaneous Goods and Services
-Health
-Transportation
-Recreation, Sport, and Culture, -Housing, Water, Electricity, Gas, Fuels.

Bagamat sa kabuuan, bumaba sa 2.3% ang May inflation rate sa Ilocos Region kumpara sa 2.4% sa Abril at pinakamababang rate sa bansa habang pinakamataas naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments