𝗠𝗘𝗔𝗦𝗟𝗘𝗦 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦, 𝗠𝗔𝗦 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡

Inutusan ng alkalde ng San Carlos City, ang City Health Office (CHO) na magsagawa ng mahigpit na measles vaccination sa siyudad matapos magpositibo ang isang anim na buwan na sanggol at tatlong – taong gulang na mga miyembro ng Badjao community.

Ayon kay City Health Officer Dra. Susan Benitez, ito ay kaniyang nalaman noong ika – 17 ng Mayo matapos ma-confine sa Pangasinan Provincial Hospital ang isang tatlong – taong gulang na babae nang dahil sa tigdas.

Nanggaling umano ang pamilya ng tatlong – taong gulang na babae sa isang inuupahang bahay sa Barangay Bugallon ngunit sila ay dumating galing Mindanao. Nalaman rin na ang anim na taong gulang na sanggol na kanilang kasama ay nag-positibo sa tigdas. Walang pagkakakilanlan ang pamilya, maski ang kanilang mga edad at birth certificates ay hindi matukoy.

Dagdag ni Dra. Benitez, nagpapasalamat siya dahil karamihan sa mga Badjao ay bakunado laban sa tigdas. Ang mga awtoridad ay kasalukuyan pa rin na kinukumbinsi ang ibang Badjao na magpabakuna laban sa tigdas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments