Dagsa na, tatlong araw bago ang kapaskuhan ang meat section sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City.
Ayon sa ilang mga meat vendors, nasa hanggang limang kilo ang pinakamaraming binibili ng mga consumers bagamat madalang.
Sa ngayon, naglalaro sa ₱ 350 hanggang ₱ 370 ang kada kilo ng karneng baboy, depende naman ang presyuhan sa parte ng produktong bibilhin.
Nasa 180 hanggang ₱ 200 pesos naman ang presyuhan da kada kilo ng manok habang nasa ₱ 380 hanggang ₱ 400 ang pero kilo ng baka.
Inaaasahan pa ng mga mamimili ng mas dadami ang consumers sa araw ng 23, isang araw bago ang hinahandaang bisperas ng Pasko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments