𝗠𝗘𝗔𝗧 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Arestado sa ikinasang buy bust operation ng pulisya ang isang meat vendor sa Brgy.Bued,Binalonan matapos mahulihan ng iligal na droga.

Nalambat ng awtoridad ang suspek na si Gerry Castañeda, 40 anyos.

Nahuli malapit sa public market si Castañeda kung saan nasa 48 gramo ng hinihinalang shabu at 43 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng halaga ng P8,424 ang nakuha sa kaniyang kustodiya.

Haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Binalonan Police Station. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments