𝗠𝗘𝗔𝗧 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗟𝗙-𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧

Dead on arrival ang singkwenta y otso anyos na meat vendor sa San Jacinto dahil sa self-accident na naganap sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Lobong, San Jacinto.

Ang naturang biktima, kinilalang si Fernando Quinto, residente ng Brgy. Palguyod, Pozorrubio.

Sa salaysay ng witness sa insidente na si Ricky Araos, tila papuntang Pozorrubio ang biktima base sa direksyong tinatahak nito. Aksidente umanong nadaplisan ng side wheel ng minamaneho nitong traysikel ang puno ng kasoy sa road shoulder.

Dahil dito bumaliktad ang traysikel at tumilapon ang drayber. Nagtamo ng injuries sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima. Naitakbo pa sa pagamutan ngunit binawian na umano ng buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments