Nagsagawa ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter ang isang symposium at workshop na may kaugnay sa media literacy at pagpapalakas pa ng media sa digital age.
Nagbahagi ng kaalaman ang mga guest speaker mula sa KBP Pangasinan Chapter kaugnay sa kahalagahan ng traditional media at ng journalism sa kabila ng pag-usbong ng digital age.
Mula naman sa Panpacific University Urdaneta at ilang piling unibersidad ang mga estudyanteng nakilahok at nakibahagi sa naturang symposium.
Samantala, nagsagawa rin ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng KBP Pangasinan Chapter at ng nasabing Unibersidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments