𝗠𝗘𝗞𝗔𝗡𝗜𝗞𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗧𝗩 𝗕𝗔𝗥

Ilang beses na nagpaputok ng baril ang isang mekaniko sa isang KTV Bar sa Brgy. Nancayasan, Urdaneta City matapos umano itong walang maipambayad sa kaniyang nakuha.

Ayon sa pulisya, umabot sa P3, 960 ang bill nito ngunit nakiusap na iwanan na muna ang cellphone nito bilang pagsisiguro na siya ay babalik at siya ay magwiwithdraw muna.

Pagbalik ng suspek sa ktv bar, bigo itong magbayad at kinuha ang kaniyang cellphone. Nang tumanggi ang cashier agad na nagpaputok ng baril ang suspek.

Bigo namang magpakita ng kaukulang dokumento ng armas ang suspek.

Haharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at Illegal Discharge of Firearms ang suspek |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments