
Cauayan City – Isang insidente ng pambubugbog na naganap noong gabi ng ika-16 Pebrero sa Basilio Street, sa pagitan ng barangay San Andres at Mabini sa lungsod ng Sanptiago.
Ayon sa ulat, agad na ipinaabot sa mga awtoridad ang insidente at mabilis naman itong inaksyunan. Nagsagawa kaagad ng masusing imbestigasyon ang mga pulis, kabilang ang pagproseso sa pinangyarihan ng krimen at pagsusuri ng mga CCTV camera sa paligid.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, natukoy ang pagkakakilanlan ng mga sangkot na suspek. Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong Frustrated Homicide at Malicious Mischief o Damage to Property laban sa mga ito alinsunod sa Revised Penal Code, na may kaakibat na mabigat na parusa kapag napatunayang nagkasala.
Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang na makalabas ng ospital ang biktima upang tuluyang maisampa ang kaukulang reklamo laban sa mga suspek.
Mariing kinondena ng mga awtoridad ang insidente ng karahasan, lalo na’t isang menor de edad ang naging biktima. Patuloy ang koordinasyon ng pulisya sa pamilya ng biktima at sa tanggapan ng piskalya upang matiyak na agad na mapapanagot ang mga responsable.
Samantala, muling nagpaalala ang mga awtoridad sa mga magulang na bantayan at gabayan ang kanilang mga anak, at iwasan ang padalus-dalos na galit at marahas na aksyon na maaaring magdulot ng trahedya at mabigat na pananagutan sa ilalim ng batas.
SCPO4
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










