Patuloy na isinusulong sa buong Ilocos Region ang usapin ukol sa pagtataguyod ng Mental Health Awareness sa rehiyon.
Alinsunod dito, isinagawa ng Non-Communicable Diseases Unit sa pamamagitan ng Mental Health Program ang Suicide Education and Awareness Training ng upang mas paigtingin pa ang pagtutok sa naturang usapin.
Layon nitong mas palakasin ang pagtugon ng mga hospital personnels, maging sa mga Rural Health Units pagdating sa pagbibigay ng nararapat na suicide first aid.
Binigyang diin dito ang wastong mga hakbangin sa mga nakararanas ng depresyon at may suicidal tendencies, at pakikipag-ugnayan pa sa mga ito upang matiyak ang pagbibigay tulong at kaligtasan ng mga ito.
Samantala, bagamat mas pinalawig na ang mga mental health services ay mayroong pa ring naitalang kaso kaugnay dito kaya patuloy pang pinaigting ng health authorities ang mga aksyon nararapat para rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨