Nakahanda na ang iba’t-ibang aktibidad na aabangan ng mga Dagupeรฑos kasunod ng pagdiriwang ng Dagupan City Fiesta ngayong taon.
Nauna nang isinagawa ang Christmas Lighting Ceremony na isa rin sa pinakainaabangang kaganapan sa lungsod nito lamang Dec. 6, 2024.
Umarangkada na rin ang Apple of my Eyes Program at Mass Wedding na napakinabangan ng mga bata at mga magkasintahan.
Aabangan sa darating na Dec. 11 ang Binibekeng Dagupan kung saan magpapasiklaban ang mga kabilang sa LGBTQIA community sa lungsod.
Mayroong selebrasyon ding nakalaan para sa mga miyembro ng TODA at KATROPA sa lungsod, maging ang mga kaguruan sa Volunteers’ Day at Educators’ Night.
Ilan pang mga kaganapan na magbibigay kasiyahan para sa mga kabataan ang inaasahan sa susunod na mga araw.
Idadaos naman ang misa sa Dec. 24, ang Christmas Eve Mass na pangungunahan ni Archbishop Socrates Villegas. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ