𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡

Proteksyon at seguridad ng mga kabataan ang binibigyang pansin ngayon sa bayan ng Asingan at susunod na paglalaanan ng iba’t-ibang aktibidad at programa na may kaugnayan sa karapatan ng mga ito.

Sa unang pulong ng lokal na pamahalaan ng bayan kaugnay sa Local Council for the Protection of Children para sa taong 2024, pinag-usapan ang iba’t-ibang aktibidad na maaaring makatulong at sumesentro sa mga karapatan at proteksyon ng mga kabataan sa kanilang bayan.

Nais ng lokal na pamahalaan ng bayan na sumisentro sa nararapat na seguridad at karapatan ng bawat kabataan ang mga isasagawang programa at siyang dapat na mapakikinabangan ng mga ito.

Sa kabilang banda, idinagdag sa naturang pulong ang ukol sa pagsasaayos na ng budget ng LCPC para sa taong 2024 nang sa gayon ay mabigyan ng focus at masiguro na magagamit ng maayos ang bawat pondo na nakalaan sa kanilang mga programa at aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments