Tinanggap ng mga ambulant vendors na naapektuhan ng nangyaring sunog sa Old Public Market sa lungsod ng San Carlos ang inisyal na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development Region 1.
Nasa anim na raang mga ambulant vendors ang nab
igyan ng Family Food Packs mula sa ahensya upang makatulong na maibsan ang problemang kinakaharap ng mga biktima ng sunog.
Nauna na ring pinulong ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang mga apektadong manlalako ukol sa kanilang mga hinaing at tulong na kinakailangan upang makabawi ang mga negosyo matapos ang insidente.
Matatandaan na nasunog ang lumang pampublikong pamilihan sa San Carlos City at nag-iwan ng tinatayang nasa dalawampu’t-apat na milyong pisong pinsala.
Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨