Umakyat pa ang bilang ng mga residenteng apektado ng bagyong Carina sa Ilocos Region.
Sa tala ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1, umabot na sa mahigit limampung libong mga pamilya ang apektado ng Bagyong Carina sa buong Ilocos Region.
Mula sa mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte ang 55, 403 na mga pamilya o katumbas nito ang 214, 213 ang mga naapektuhang indibidwal. Nasa 1, 335 na mga indibidwal ang nananatili ngayon sa 63 evacuation centers sa rehiyon.
Naglaan naman ng higit P50M na pondo para sa mga kakailanganin ng mga apektadong mamamayan sa rehiyon. Sa kasalukyan, patuloy ang assessment ng ahensya iba pang pamilyang maaari pang maapektuhan ng Bagyong Carina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments